Business Tips Philippines: Business Owners and Entrepreneurs’ Guide

Business Tips Philippines, an online entrepreneurship, management & marketing guide for Filipinos, business owners, leaders & entrepreneurs around the world.

Add Business

Login

  • Home
  • Business
  • Management
  • Marketing
  • Business Category
  • About

Kailan Dapat Magsimula ang mga Pilipino sa Trading?

March 6, 2020 Businesstips Leave a Comment

Maraming dahilan kung bakit isang mabisang paraan upang kumita ng salapi ang forex CFD trading sa Pilipinas ngunit bago  at magsimula sa forex trading ay mayroon kang mga bagay na dapat malaman tungkol sa industriyang ito. Isa na rito ay ang tamang panahon kung kailan dapat magsimula sa forex trading.

Kailan nga ba dapat magsimula sa forex trading? Alamin sa mga sumusunod.

Kapag alam mo na ng sumusunod na impormasyon.

Ang forex trading ay kinakailangan ng masusing pag-aaral at pagbuo ng mga estratehiya upang maging matagumpay sa mga transaksyon. Dahil dito ay masasabi natin na ang tamang panahon kung kailan maaari kang magsimula sa forex trading ay kapag alam mo na ang mga sumusunod:

Sa forex trading, hindi ka humahawak ng pisikal na salapi.

Maraming tao ang iniisip na ang forex trading ay katulad ng pagpapalit ng salapi sa isang money changer ngunit sa totoong buhay, ito ay naiiba. Ito ay dahil sa forex trading ay hindi ka humahawak ng pisikal na salapi upang gumawa ng mga transaksyon.

Ang nangyayari ay itinatala ng iyong forex broker ang iyong trade at ibinibigay sa iyo ang kung anu man ang maging kita o pagkalugi ng nasabing trade at ito ay nakadepende kung paano gumagalaw ang pagpapalit ng salapi.

Kung ang paggalaw ay pabor sa iyo, ikaw ay kikita at kung ito ay hindi pabor, ikaw ay malulugi.

Kailangan ay pamilyar ka sa mga salaping iyong ginagamit sa trade.

Katulad sa stock trading, marami ring mga currency o salapi na maaaring pagpilian sa forex trading. Laging tandaan na ang paggalaw ng bawat pares ng salapi ay may iba’t ibang pag-uugali at hindi lahat ng estratehiya na iyong nabuo ay maaaring gamitin sa lahat ng pares. Nangangahulugan ito na ang isang estratehiya na gumagana sa isang pares ay maaaring hindi gumana sa isa pang pares.

Ikaw ay gumagamit ng leverage na maaring maging sanhi ng pagkalugi.

Ang forex trading mismo ay hindi mapanganib – ito ay ang paggamit ng leverage. Isang halimbawa ay ang paggamit ng 1:50 na leverage. Sa maliit na halaga katulad ng $100 ay maaaring maging $5,000 ang halagang ginagamit sa transaksyon.

Ang leverage ay maaaring maging mapanganib dahil maari kang magkaroon ng 50% na kita o pagkalugi. Sa mga panahong magulo ang industriya ay maaaring magkaroon ng malaking pagkalugi ang isang trader – pagkalugi na nalalampasan ang kanilang puhunan.

Kapag ikaw ay mayroon nang isang mapagkakatiwalaang forex broker.

Upang makapagsimula sa forex trading ay dapat mayroon ka nang isang forex broker. Ang forex broker ay ang magiging daan upang iyong ma-access ang trading platform katulad ng MetaTrader at ang interbank system.

Ngunit, maging maingat sa pagpili ng isang forex broker dahil kasalukuyang marami ang nais lamang manloko at makuha ang iyong salapi. Upang maiwasan ito ay dapat pumili lamang ng lehitimo at lisensyadong forex broker para sa iyong mga transaksyon.

Kapag siya ay nakasubok at nakapagsanay na gamit ang isang demo account.

Ang isang demo account ay malaking tulong upang masanay sa kalakalan ng forex trading. Ito ay isang paraan upang malaman kung paano tumatakbo ang industriyang ito nang hindi kinakailangan itaya ang iyong puhunan. Ito ay dahil ang isang demo account ay gumagamit ng virtual funds, hindi totoong salapi.

Sa pamamagitan nito ay maaari mong subukan ang mga iyong estratehiya sa trading at makita kung anu-ano ang mga mabisang gamitin at hindi sa forex trading.

Kapag ikaw ay may puhunan na upang magsimula sa trades.

Isang mahalagang kinakailangan sa forex trading ay ang pagkakaroon ng puhunan upang makapagsimula. Ang isang kagandahan sa forex trading ay hindi kinakailangan ng malaking halaga upang makapagbukas ng isang live account sa iyong broker.

Marami ring mga forex broker na pinahihintulutan ang pagsalin ng iyong demo account at ginagawa itong live account kapag ikaw ay handa na. Kinakailangan lang ay i-deposit ang minimum amount na kanilang hinihingi upang makamit ito.

Konklusyon

Maraming maaring maging pakinabang ang forex trading, isa na dito ay dahil sa pagiging mabisa nitong paraan sa pagkita ng salapi. Subalit, bago magsimula sa forex trading, siguraduhin muna na ang mga nasabing bagay ay iyong nagawa na. Dahil ang pagsunod sa mga nasabing impormasyon ay magiging malaking tulong upang ikaw ay maging handa at maging matagumpay sa iyong mga trade o transaksyon.

Businesstips
Businesstips

BusinessTips.ph is an online Business Ezine that provides free and useful articles, guide, news, tips, stories and inspirations on business, finance, entrepreneurship, management and leadership, online and offline marketing, law and taxation, and personal and professional development to Filipinos and all the business owners, entrepreneurs, managers, marketers, leaders, teachers and business students around the world.

Investing

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Like Us on Facebook

BusinessTips.ph

Get Our Latest Business Tips

Latest articles

Bitcoin

Is Cryptocurrency Legal in the Philippines? Know The Rules That Matter

Lawyer

Hiring a Tax Lawyer for Your Small Business: 5 Things to Know

Manage Your Allergies Well With These 5 Practical Tips

Top 8 Reasons to Buy Gold in 2025

Home Dream

5 Ways You Can Actively Save Up for Your Dream Home

Top Business Articles

How to Register Business Name with DTI Philippines

How to Register Your Business with the BIR Philippines

How to Close a Business in the Philippines

How to Register Your Home-based Business in the Philippines

Legal Requirements for Starting a Business in the Philippines

Top Marketing Articles

The Most Powerful SEO Technique in the Universe

36 Ways to Rock Your Small Business Online

What‘s the Best SEO Technique for Websites and Blogs?

Integrating Search Marketing and My Experience at MORCon 2013

What is the Essence of SEO?

© Copyright 2017 BusinessTips.ph · All Rights Reserved · Archives · Advertise · Terms, Disclaimer & Privacy Policy